Mga Hayop Sa Bahay At Komunidad Pdf
Hindi sila mahirap alagaan/abc.net.au Sa amin, may mangilan-ngilang pamilyang may malalaking manukan at babuyan. Pero, higit na marami sa mga taga-roon ang may alagang ilang ulo lang ng manok at baboy sa bakuran. Sila ang mga binabanggit kong may mararami ring tanim na gulay at halaman sa paligid ng bahay. Kadalasan noon sa amin, ang isang kabahayan ay may alagang lima hanggang isang dosenang manok na nangingitlog. Karaniwan din dati, ang mga magtatanim o magsasaka roon ay may alagang dalawa hanggang limang baboy sa kani-kanilang bakuran. Maghapon silang naghahanap ng matutuka /ruffledfeathersandspilledmilk.com Pag araw, ang mga manok ay gumagala lamang sa loob ng bakuran. Tinutuka nila ang bawat masinong pagkain, pati maliliit na bato.
Sa umaga at sa hapon, hinahagisan sila ng maybahay ng mga tirang kanin, sapal ng niyog o ng mga durog na butil ng mais. Pagsapit naman ng takip-silim, sila ay humuhimpil sa kanilang mga pugad. Ang pugad ay gawa sa nilalang kawayang tila basket at may sapin sa loob na mga dayami. Doon iniluluwal ng mga manok na inahin ang kanilang mga itlog. Doon din nila nililimliman ang mga iyon ng kung ilang araw, hanggang sa ang mga itlog ay maging ganap na mga sisiw. Dumarami rin pag pinagsama-sama/offtheurbangrid.com Ang mga alagang manok ay default source ng pang-ulam ng mga tao sa amin. Ang mga itlog ng dalawa sa alagang inahing manok ay para sa konsumo ng nag-aalaga at kanyang pamilya.
Mga hayop sa bahay at komunidad pdf Mga hayop sa bahay at komunidad pdf Mga hayop sa bahay at komunidad pdf DOWNLOAD! DIRECT DOWNLOAD! Mga hayop sa bahay at komunidad pdf. Kung ikaw ay tulad ng milyun-milyong may-ari ng mga hayop sa. (PDF) Printer Friendly. Maglagay ng nakikitang abiso sa labas ng bahay, na nagsasaad ng uri ng mga. Ang mga hayop sa ating komunidad. Nakikita natin ang binyag at ang kahalagahan ng mga ito sa ating buhay. Mapapakinabangan din ang mga pusa sa bahay.
Ang ibang manok naman, ang mga itlog ay iniipon para ipagbili. Karaniwan din pala sa aming pag nagkakabisita, ang panauhin ay hinahainan ng maybahay ng tinolang manok o sinuam na itlog. Anupa at galing iyong munting handa sa mga manok na naroroon sa likod-bahay. Ang mga alagang baboy sa amin ay nakakulong sa kwadradong istrukturang nasa loob din ng bakuran. Karaniwang gawa iyon sa semento, kahoy at yero at may katabing daluyan ng dumi.
Ang tawag sa amin doon ay kural o pigsty. Mga labindalawang metro mula sa bahay ang karaniwang layo ng kural para di gaanong maamoy ang dumi nitong mga hayop. Mabibilis silang magsilakihan /article.wn.com Ang mga baboy ay pinapakain ng dalawang beses sa maghapon.
Maaring ang pakain sa kanila ay kombinasyon ng darak at nilagang laman ng gabi. Kung may badyet naman ang nag-aalaga, at pag gusto ring maibenta nang mabigat ang timbang ng baboy, ang pakain sa kanila ay ang nabibiling livestock feeds. Pinaiinom din sila ng tubig tatlong beses isang araw. Araw-araw naman ang pagpapaligo sa kanila, pati ang paglilinis ng kanilang kulungan.
Ang isa sa mga alagang baboy ay kadalasang naka-reserba sa handaan – para sa pista o sa pagtatapos ng anak.Ang dalawa naman ay pinapalaki bilang inahin o paanaking baboy. Pagkalabas ng kanilang mga biik, ipinagbibili ang mga iyon bilang alagain o piglet. Ang iba pang baboy ay pinapalaki naman para katayin at ibenta ang karne ng por kilo sa mga kahanggan o kapitbahay. Ang pagbebenta ng biik at pagkakatay ay para maragdagan ang salapi ng pamilya at makaagapay sa mga gastusin. Mahalaga ang dagdag na kita mula sa pag-aalaga ng hayop sa amin, lalo na sa panahong walang ani.
Ibinebenta sila para palakihin din /zimbio.com Sabi ko nga, ang animal husbandry ay regular feature ng mga bakuran doon sa amin. Pero sa karamihan, hindi sa scale na malakihan o mass production. Maliitan ang pag-aalaga ng mga hayop para sa pansariling konsumo at sa limitadong antas, para pambenta sa komunidad mismo. Malayo ang lugar namin noon sa pamilihan. Isa pa, wala ring gasinong pera ang mga tao sa amin para regular na makabili ng karne. Kahit pa halos lahat doon ay may alagang hayop, isang beses kada dalawang buwan kung makakain ng karne ang mga taga-amin.
Mga Hayop Sa Bahay At Komunidad
Madalas na iyon, kung tutuusin. Supplemental source of income ang mga alagang hayop sa mga nasa liblib na lugar na bihirang dalawin at ikutan ng pera. Ang siste nga, backyard farming of animals ang laganap. Noong ‘80s, ilan lamang sa amin ang may kakayanan at naglalakas-loob mamuhunan at gumamit ng teknolohiya para sa large-scale, industrial poultry and hog-raising. Sa panahon ding iyon, wala pang maayos na kalsada. Pahirapan pa ang paglalabas sa baryo ng mga produktong pambenta. Papunta mang bayan o lungsod.
Papunta at pabalik, umaapaw /theinfomine.com May ilan lang noong nag-aalaga ng mga pato at itik doon sa amin. Kailangan daw kasi ng mga ibong ito ng sariling lupang lakaran at tukaan ng pagkain. Naninira rin daw sila ng mga pananim kaya hindi paborableng alagaan sila sa komunidad na taniman. Isa pa, wala ring pagkukuhanan sa amin ng mga pinong susong paboritong kainin ng mga pato at itik. Kung may ilan mang nag-aalaga sa kanila roon sa amin, kadalasan iyon ay bilang pets lamang. Noon, may ilan-ilan ring nag-aalaga ng mga kambing sa aming nayon.
Pero, ang mga may-ari noon, hirap i-sustina ang kanilang mga alaga. Kakaunti na noon pa ang mga bakanteng lupa sa aming maaring patubuan lamang ng damo para sa mga hayop. Ang mga may alagang kambing ay obligadong ipastol sila sa gawing gubat at bundok para roon manginain ng sariwang damo.
Kailangan silang ipastol /article.wn.com Sa amin, walang nag-aalaga ng kalabaw. Hindi raw angkop ang klima ng aming lugar para sa kanila. Wala roon sa aming tubigan at ilog na maaaring pag-lubluban ng mga hayop na ito pag sila ay naiinitan. Sampong taon na yata ako nang una akong makakita ng totoong kalabaw – buhay at malapitan. Bago iyon, kilala ko lamang ang ating pambansang hayop sa mga larawan nito sa libro at sa mga lumang pelikula nina Gloria Romero at Luis Gonzales na palabas sa telebisyon. Ang karaniwang katuwang ng mga magsasaka sa amin ay ang hayop na baka. Malaking klase ng hayop /wn.com Mahirap daw mag-alaga ng baka, sabi ng mga nakaranas ng gawaing iyon.
Malaking hayop ang baka at maraming kailangan para ito ay maalagaan nang husay, lalo pa kung gamit sa sakahan. Marami-rami pa noong mga taniman ng palay at mais sa amin kaya, marami pa rin ang may mga baka. Dahil ang mga hayop na ito ay mababagal lumakad, hindi praktikal na dalahin sila sa gubat para roon manginain ng damo. Hindi rin naman sila maaring iwan sa mga dahilig ng bundok dahil baka manakaw.
Ang ginagawa ng mga taga-amin, ipinangungumpay ng damo ang mga alagang baka. Bitbit sa likod ang ginapas na damo para sa hayop /article.wn.com Maagang-maaga pa lang, ang isang anak ng magsasaka ay may bitbit nang kaing sa likod para pumunta sa gubat at doon mangumpay ng damo. Inaabot ng dalawang oras ang pangungumpay, kasama na ang pagpunta at pagbalik sa kumpayan. Kailangan ding igiban ng maraming tubig ang mga baka.
Dalawa hanggang tatlong timba ng tubig ang iniinom ng hayop na ito. Mga apat hanggang anim na baldeng tubig naman ang kailangan para sa paligo ng isang baka pa lang. Kung iisipin, hindi biro ang mag-alaga ng baka. Libong piso na ang puhunan sa pagbili ng bisirong baka, high maintenance pang alagaan. Sa lugar naming pahirapan sa damo at sa tubig, sakripisyong maliwanag ang mag-alaga sa kanila.
Pero, marami nga sa amin noon ang may alagang baka. Alinman sa para sila ay katulungin sa pagtatanim sa bukid o, kaya ay para palakihin bilang hayop na pambenta.